23rd Likha ng Central Luzon Trade Fair, pormal nang binuksan ng DTI

Philippine Standard Time:
23rd Likha ng Central Luzon Trade Fair, pormal nang binuksan ng DTI

23rd Likha ng Central Luzon Trade Fair, pormal nang binuksan ng DTI

Pormal na binuksan Department of Trade and Industry o DTI nitong Miyerkoles ang unang Likha ng Central Luzon Hybrid Trade Fair sa SM City Olongapo Central. Ito na ang ika-23 pagdaraos ng Central Luzon Trade Fair ng DTI.

Ayon kay DTI Bataan Provincial Director Nelin Cabahug, bukas ito mula Oktubre 13 hanggang 17 kung saan sumali ang 24 micro, small at medium enterprises o MSMEs mula Bataan at Zambales, 15 dito ay pawang food product producers at 9 naman ang non-food products.

Sabay sabay ang aktibidad na ito kung saan nakiisa ang 7 probinsya sa Region 3 o Central Luzon na naglalayong ipromote ang mga lokal na produkto ng Central Luzon para sa pagpapalago at pagpapaunlad ng mga MSMEs sa tulong ng mga institutional buyers at makapag-generate ng maraming benta o sales at makatulong sa employment and livelihood endeavors ng gobyerno.

Ang Bataan ay kasama ng Zambales sa SM City Olongapo Central habang ang Aurora ay kasama naman ng Nueva Ecija sa SM Cabanatuan. Sa SM City Pampanga ginanap ang para sa Pampanga, SM City Tarlac para sa Tarlac, at Waltermart Malolos para naman sa Bulacan LCL TF.
Noong bago ang Covid-19 pandemic ay ginaganap ito taun-taon sa SM Mega Trade Hall ng SM Mega Mall sa Mandaluyong City.

The post 23rd Likha ng Central Luzon Trade Fair, pormal nang binuksan ng DTI appeared first on 1Bataan.

Previous Balanga bares tax amnesty program

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon ā€“ Fri: 8:00 am ā€“ 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

Ā© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by: