Bagong ambulansya para sa bayan ng Samal

Philippine Standard Time:

Bagong ambulansya para sa bayan ng Samal

Nagbunga na ang kung ilang buwang pagsisikap ni Mayor Aida Macalinao sa pakikipag-coordinate sa matataas na opisyal sa gitna ng pandemya. Sa kanyang pagsisikap para sa mga Samaleno, ay iginawad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang (2) dalawang bagong ambulansya na kumpleto sa makabagong mga kagamitan laan para sa pagresponde sa mga nangangailangang mamamayan sa oras ng pangangailangan.

Ayon kay Mayor Aida bagama’t hindi naging madali ang pagpo proseso sa nasabing ambulansya, it’s worth the wait, dahil malaking tulong ito sa kanyang mga kababayan. Ayon naman kay Dr Teng Espino, Municipal Health Officer, na higit kailanman ay ngayon nila kailangan ang mga nasabing ambulansya dahil sa pinagdaraanan nilang hamon-medikal at pangkalusugan. Samantala kasabay sa pagbabasbas ng dalawang ambulansya ay binasbasan din ang multi-purpose covered court na proyekto ni Cong. Geraldine Roman, na ayon sa kanya ay maraming pwedeng paggamitan tulad ng vaccination center, evacuation center at iba pa.

The post Bagong ambulansya para sa bayan ng Samal appeared first on 1Bataan.

Previous P1. 035M AICS Fund ipinamahagi sa mga manggagawa

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2022 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved