Bagong stalls sa Hermosa Public Market, binuksan na!

Philippine Standard Time:

Bagong stalls sa Hermosa Public Market, binuksan na!

Pinasinayaan nitong nagdaang Huwebes ng umaga ang mga bagong market stalls sa New Hermosa Public Market, Barangay Palihan, Hermosa.
Dinaluhan ito ng mga lokal na opisyal ng Hermosa LGU sa pangunguna ni Mayor Jopet Inton, Hermosa SB Members at iba pang local government officials, at barangay officials, na sinabayan ng blessing o pagbabasbas sa pangunguna ni Rev. Father Jesus Navoa.

Naitayo ang proyektong ito mula sa pondong inilaan ng Pamahalaang Bayan ng Hermosa nang hindi dumaan sa anumang utang o loan.
Ayon kay Mayor Inton, karagdagang local income ito deretso sa kabang bayan ng Hermosa LGU mula sa mga upa ng mga magiging tenants nito.
Ang New Hermosa Public Market ay naitayo noong panahon ng namayapang si dating Hermosa Mayor Efren Cruz at ang pondo ay nagmula sa isang loan sa bangko.

The post Bagong stalls sa Hermosa Public Market, binuksan na! appeared first on 1Bataan.

Previous Pediatric vaccination rolls out in Bataan

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2022 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved