2023 Healthy Bulilit Program

Philippine Standard Time:

2023 Healthy Bulilit Program

Totoo sa kanilang bisyon na wala nang magiging malnourish na mga MariveleƱos sa taong 2030, ang yunit pamahalaang lokal ng Mariveles ay nakipag-partner sa GNPower Mariveles Energy Center Ltd Co. sa paglulunsad ng Healthy Bulilit 2023 Program na idinaos sa Romalaine Seafood Restaurant nitong ika-29 ng Agosto.

Ang nasabing paglulunsad ay pinangunahan ni Mayor AJ Concepcion, kasama sina G. Dennis Jordan, Pres. CEO, GMEC at GNPD, G. Arcel Madrid- AVP for Community Relations, G Joseph Chavez- Program Manager, MSWDO Rhei Cuadro at Municipal Nutritionist Ma. Thea Dondonayos.

Layunin ng nasabing programa na mabigyan ng kaalaman at kakayahan ang ating mga day care workers, gayundin ang mga magulang tungkol sa mga masustansyang pagkain na kanilang ihahanda para sa mga bata upang sila ay lumaking malakas at malusog.

Sa mensahe ni Mayor AJ Concepcion, hinimok niya ang kanyang mga kapwa magulang na maglaan ng oras para matutukan ang pagkain, nutrisyon at kalusugan ng mga anak. Kasabay nito namahagi rin siya ng 500 set ng mga gamot, hygiene kits at mga kutsaraā€™t tinidor para matutunan din umano ng mga bata ang pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang mga personal na gamit.

Samantala sinabi naman ni CEO at Pres, Dennis Jordan ng GNPD at GMEC na natutuwa sila na naging bahagi sila ng mahalagang hakbang para sa kalusugan at nutrisyon ng mga bata, at makaaasa ang Mariveles na patuloy silang susuporta sa mga makabuluhang programa at proyekto para sa mga bata at kabataan.

The post 2023 Healthy Bulilit Program appeared first on 1Bataan.

Previous Additional disability pension to military veterans

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon ā€“ Fri: 8:00 am ā€“ 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

Ā© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by: