Barangay nutrition scholar, pinarangalan

Philippine Standard Time:

Barangay nutrition scholar, pinarangalan

Ipinagmalaki ni Mariveles Mayor AJ Concepcion ang pagkilala at pagpapahalaga kay Bb. Jenelyn A. Abon, 2022 Provincial Outstanding Barangay Nutrition Scholar na siyang naging kinatawan ng Bataan sa Search for the 2022 Regional Outstanding Barangay Nutrition Scholar na ginanap sa Good Shepherd Hall Development Center sa Lungsod ng San Fernando.

Ayon kay Mayor Concepcion, ang dedikasyon ni Jenelyn bilang isang BNS ay magsilbi nawang inspirasyon sa lahat na, sa kanyang dedikasyon at pagsisikap ay nakapagbigay pa ng karangalan hindi lamang sa bayan ng Mariveles kundi maging sa buong Lalawigan ng Bataan.

Ang Katibayan sa Pagpaparangal sa mga BNS ay nilagdaan ni Dr. Corazon Flores, Region 3, DOH Regional Director, Center for Health Development. Ang nasabing Search ay ginagawa taun-taon upang bigyang pagpapahalaga ang sakripisyo ng mga BNS sa mga pamayanan.

The post Barangay nutrition scholar, pinarangalan appeared first on 1Bataan.

Previous FAB Trade Fair, dinagsa ng mga mamimili

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon ā€“ Fri: 8:00 am ā€“ 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

Ā© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by: