Bataan, PNP may bago nang PD

Philippine Standard Time:

Bataan, PNP may bago nang PD

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) nitong Linggo na si Police Col. Romell Allaga Velasco ang bagong PNP Provincial Director ng Bataan Police Provincial Office (BPPO) kasunod ng kanyang pagkakatalaga noong Sabado ng pamunuan ng PNP.

Si Col. Velasco ay tubong Nueva Ecija. Pinalitan ni Velasco si Police Col. Joel Tampis, na inilipat sa Camp Olivas, PNP headquarters sa Central Luzon. Bago ang kanyang pagkatalaga sa Bataan PPO, si Velasco ay naging hepe ng Police Community Relations sa PNP Police Regional Office 3. Si Col. Velasco ay hindi na bago sa Bataan dahil dati na siyang nakatalaga sa Camp Tolentino, Bataan PNP headquarters, at nagsilbi na ng ilang taon bilang deputy PD, mobile force commander at naging chief of police din ng iba’t ibang bayan sa Bataan.

The post Bataan, PNP may bago nang PD appeared first on 1Bataan.

Previous Seguridad sa mga daungan sa Subic Bay Freeport tiniyak

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2022 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved