Cong. Abet, nagpayo base sa sariling karanasan

Philippine Standard Time:

Cong. Abet, nagpayo base sa sariling karanasan

Sa nakaraang mass oathtaking ng mga bagong halal na opisyal ng barangay, napakahalaga ng mga ibinigay na payo ni Cong Abet, base sa kanyang mga naging karanasan simula pa nang siya ay unang maglingkod.

Ayon kay Cong Abet, tapos na ang eleksyon, kaya kinakailangan na ang mga nanalong kandidato ay magpakumbaba at iabot ang kamay sa lahat ng mga ka-barangay maging ang mga nakalaban niya ng nakaraang eleksyon. Alalahanin umano nila at tandaan na hindi lamang sila mga punong barangay at kagawad ng mga taong bumoto sa kanila kundi nang buong barangay na kanilang nasasakupan. Ipinaalaala din ng magiting na Congressman sa mga bagong opisyal na maging matatag sila dahil, “this is the worst time” ng kanilang paglilingkod, hindi lamang ito umano panahon ng malayang press kundi higit ang social media na napakadaling i-video ang anumang isyu at ilagay ito sa Facebook na karaniwan na nagba-viral, na kahit ano ay inilalagay sa FB laban sa kanila na wala man lang paliwanag.

Sinabi rin ni Cong Abet na marami ang naghangad na mapasama sa kanilang grupo, base sa tala umano ni Gov Joet umabot sa 10k ang nag-file ng kandidatura pero, kayo ang pinili, kayo ang hinirang, kayo ang nagwagi kaya’t huwag nilang sayangin ang kumpyansa at pagkakataon na binigay sa kanila; pagyamanin ang tiwalang nakuha nila para lalo.pa itong tumibay, magkaroon ng committment sa mga pangangailangan ng mga kababayan nang sa gauon ay maging maayos ang kanilang paglilingkod. Sa bandang huli, ay nagpasalamat siya sa lahat ng nagtulung- tulong na maidaos sa ating lalawigan ang maayos at mapayapang barangay at SK elections.

The post Cong. Abet, nagpayo base sa sariling karanasan appeared first on 1Bataan.

Previous SP members expresses gratitude to BM Austria, BM Manuel

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by:

Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.