Eskinita de Abucay, binuksan na!

Philippine Standard Time:

Eskinita de Abucay, binuksan na!

Nagbukas na ang pinakabagong food park sa bayan ng Abucay nitong Miyerkoles, Oktubre 18, 2023.

Sa isang simple ngunit makahulugang seremonya, kasama ang mainit na suporta ng komunidad, nanguna sa pagbabasbas at pagpapala si Rev. Father Milver R. Cruz kasama sina Abucay Mayor Robin C. Tagle, na buong buo ang suporta bilang Panauhing Pandangal, at Kapitan Isko Perdio ng Brgy. Laon sa pagputol ng ribbon.

Tampok din sa nasabing okasyon si Konsehal Tikboy Soriano, na nagpamalas ng kanyang buong suporta sa proyekto. Nagdagdag ng kulay at aliw sa okasyon ang pagbisita nina Dating Konsehal Nilo Ganzon, na nagpamalas din ng kanilang suporta sa proyekto.

Sa likod ng makulay na dining area at magarang palikuran, makikita rin ang mga pahayag at pagsasalarawan ng kasaysayan ng Abucay sa pamamagitan ng isang mural na nagbibigay buhay sa lugar. Ang Eskinita de Abucay ay tiyak na magiging sentro ng mga masasarap na pagkain at magkakasamang kwentuhan sa bayan ng Abucay.

The post Eskinita de Abucay, binuksan na! appeared first on 1Bataan.

Previous Abucay mayor issues stern warning on garbage issue

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon ā€“ Fri: 8:00 am ā€“ 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

Ā© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by: