Lumang munisipyo ng Abucay pagagandahin

Philippine Standard Time:

Lumang munisipyo ng Abucay pagagandahin

Aayusin, lilinisin at pipinturahan ang dating gusali ng Pamahalaang Bayan ng Abucay.

Sinabi ni Abucay Mayor Robin Tagle na sa lumang munisipyo ilalagay ang annex office ng Philippine National Police (PNP), ang data center, municipal disaster risk reduction management council (MDRRMC), Command Center, satellite office ng National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang opisina na may kinalaman sa pangangalaga ng kapayapaan at kaayusan (peace and order).

Sa ngayon ipinag-utos na ng alkalde ang rehabilitasyon ng dating gusali ng pamahalaan ng Abucay upang mailipat at magamit na ng ilang ahensya.

Pinulong na rin umano ni Mayor Tagle ang local peace and order council upang maisaayos ang pagpapatupad ng mga ordenansa sa pangangalaga ng kapaligiran at kampanya laban sa droga.

The post Lumang munisipyo ng Abucay pagagandahin appeared first on 1Bataan.

Previous Phase II ng Cavite-Bataan Interlink, pinag-aaralan na

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2022 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved