GOVPH Home Invest Transparency Seal

Mariveles Paleng- QR, sinimulan na

Philippine Standard Time:
blank

Mariveles Paleng- QR, sinimulan na

Bago pa man pormal na simulan ang Bisita Bayan ni Gov. Joet sa linggong ito sa bayan ng Mariveles, ay sinimulan na nitong Biyernes, ika-10 ng Marso, ni Mayor AJ Concepcion ang Paleng-QR Orientation sa lahat ng mga negosyante sa loob ng Mariveles Public Market.

Kasama sina Vice Mayor Lito Rubia, mga kaanib ng Sangguniang Bayan, gayundin ang Provincial Cooperative and Enterprise Development Office (PCEDO) sa pangunguna ni Zena Sugatain at Mariveles Municipal Market Administrator John Deihl Pineda, ay binigyan nina Mayor Concepcion ng kaalaman ang lahat ng vendors hinggil sa digital payments tulad ng paggamit ng Maya App sa pang araw- araw nilang pagtitinda.

Hinikayat ni Mayor Concepcion ang ating mga kababayan na pag-aralan at suportahan ang proyektong ito dahil dumating na umano ang panahon ng modernisasyon at digital transaksyon.

Ayon naman sa mga vendors, medyo mahirap sa simula pero naniniwala sila na sa pamamagitan ng Paleng-QR ay higit na magiging mabilis ang transaksyon sa pamilihang bayan.

The post Mariveles Paleng- QR, sinimulan na appeared first on 1Bataan.

Previous Cong. Gila wants more success for 1Bataan Agri-Innotech

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

blank

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2022 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved