Mayor Francis Garcia, pinulong mga benepisaryo ng low-cost housing

Philippine Standard Time:

Mayor Francis Garcia, pinulong mga benepisaryo ng low-cost housing

Pinulong kamakailan ni Balanga City Mayor Francis Garcia ang mga benepisyaryo sa itinatayong low-cost housing project ng Lungsod para bigyan ang mga ito ng mahahalagang impormasyon at tagubilin tungkol sa nasabing proyektong pabahay.

Siniguro ni Mayor Garcia na ang mga benepisyaryo ay magkakaroon ng maayos, maganda at matibay na bahay, na wala silang dapat ipangamba dahil ang mga bahay ay nakapasa sa pamantayan ng NHA at sila ay inilalayo lamang ng pamahalaan sa panganib na tuwing may bagyo, sa kanilang kasalukuyang tirahan.

Ang mga benepisyaryo na mula sa mga barangay ng Talisay at Bagumbayan ay nakatira sa mga gilid ng ilog, na matagal nang prayoridad noon pa man nina Gov Abet at Cong Joet Garcia na mailipat sa mas maayos at ligtas na lugar.

The post Mayor Francis Garcia, pinulong mga benepisaryo ng low-cost housing appeared first on 1Bataan.

Previous Samal, nagsimula nang magbakuna sa mga bata

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2022 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved