Mayor Tagle namahagi ng ayuda sa mga benepisyaryo ng EAICS

Philippine Standard Time:

Mayor Tagle namahagi ng ayuda sa mga benepisyaryo ng EAICS

Personal na ipinamahagi nitong Biyernes ni Abucay Mayor Robin C. Tagle ang tulong pinansyal mula sa Expanded Assistance to Individuals in Crisis Situation o (EAICS) na nagmula sa pondo ng tanggapan ni Senator Bong Go.




Ang mga benepisyaryo ay mga Abukeñong may malalang karamdaman sa kidney kasama na ang mga nagda-dialysis, may sakit sa puso at iba pa.

Sa talumpati ni Mayor Tagle ay sinabi niya na simula pa lamang ito at hindi aniya siya titigil sa pagtatrabaho para makakalap pa siya nang mas maraming pondo para sa kanyang mga kababayang nangangailangan nito.

Binanggit din ng alkalde ang pagkakaroon ng dialysis center sa kanyang bayan at sisikapin umano niyang maging libre ang serbisyo nito para sa mga mahihirap na dialysis patients.

Dumalo at nagpahayag ng suporta sa naturang proyekto si Board Member Atty. Tony Roman III, Vice Mayor Roberto Pabustan Jr., at mga Sangguniang Bayan Members.

Ipinaliwanag naman ni Ms. Ofelia Andres (MSWDO Head ng Abucay) ang paraan ng pagpili sa mga benepisyaryo nito.

Pinasalamatan naman ni Mayor Tagle ang mga DSWD personnel na silang mga nakasama sa pamamahagi ng ayuda.

The post Mayor Tagle namahagi ng ayuda sa mga benepisyaryo ng EAICS appeared first on 1Bataan.

Previous Tax relief, RPT interest ordinance, ipinasa ng Bataan SP

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2022 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved