Scholarship program para sa mga miyembro ng PCL

Philippine Standard Time:

Scholarship program para sa mga miyembro ng PCL

Tinanghal na pangulo ng Philippone Councilor’s League-Bataan chapter si Balanga City Councilor Jovy Banzon sa isang halalan na ginanap nitong nakaraang Biyernes sa Lou-is Restaurant. Sa kanilang unang pulong matapos ang eleksyon, ay nilinaw nito kung ano ang papel na ginagampanan ng PCL at kung saan ito patungo. Subali’t higit na naging matimbang na kanilang pag-aaralan ang kanilang panukala na magkaroon ng scholarship program ang PCL para sa mga miyembro nito, lalo na yong nais na makapagtapos ng kurso, mahikayat at matulungan sila na maitaas pa ang antas ng edukasyon ng kanilang mga kasamahan.

Nilinaw din ni Konsehal Banzon na hindi siya bokal ng isang partikular na distrito kundi ng buong lalawigan. Kasamang nahalal sa PCL- Bataan chapter sina Kon. D. Chan (Orion) bilang Vice Pres; Kon. C. Paguio (Pilar) – Sec. General; Kon. Reggie Santos (Hermosa) – Treasurer; Kon. Ato Dulay (Abucay) – Auditor; Kon D. Guchuico (Limay) – Bus. Manager at Kon. Ronald Arcenal (Mariveles) bilang Public Relations Officer. Ang Board of Directors (BOD) ay binubuo nina Kon. Sherean de Ausen, Kon Noel dela Rosa, Kon. V. Alonzo, Kon. G. Noriega, Kon. J Reyes, Kon. Christian Manalaysay, Kon. Susan Murillo at Kon. M. Bantay. Nanguna sa mga panauhin sina Gov. Joet Garcia, Vice Gov.Cris Garcia, at mga bokal ng Sangguniang Panlalawigan at mga opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

The post Scholarship program para sa mga miyembro ng PCL appeared first on 1Bataan.

Previous Pilar, prayoridad ng DHSUD

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2022 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved