Selebrasyon ng buhay,pag-asa at pagbangon

Philippine Standard Time:

Selebrasyon ng buhay,pag-asa at pagbangon

Ito ang buod ng mensahe ni Mayor Gila Garcia sa pagbubukas ng Fiesta Cup 2022 at pagpapasinaya sa rehabilitasyon ng Dinalupihan Track and Field na ayon sa kanya, dalawang (2) taon matapos ang pandemya, ito ang kauna-unahang araw para magpasalamat at magdiwang dahil ito ay selebrasyon ng buhay, pag-asa at pagbangon hindi lamang ng bayan ng Dinalupihan kundi ng buong lalawigan ng Bataan.

Sinabi pa ni Mayor Gila na marami tayong naging karanasan at maraming naging aral dala ng pandemya na lalong nagpaunawa sa atin kung gaano kahalaga ang kalusugan, na dapat umano ay isulong natin ang healthy lifestyle, gayundin ang maluwag na lugar at sariwang hangin.

Nagpasalamat siya sa Provincial School Board sa tulong sa rehabilitasyon ng Dinalupihan Track and Field Oval at hiniling sa mga mamamayan na, gamitin nang husto at maayos ang napakagandang oval, nang sa ganon ay mapakinabangan pa ito nang mas matagal at ng susunod na henerasyon.

Natuwa naman si Vice Gov Cris Garcia dahil ang gaganaping Fiesta Cup 2022 ay binubuo ng 37 koponan ng basketball at 17 naman sa volleyball.

Dagdag pa ng masipag na Bise Gobernador na, matagal-tagal ding hindi nakapaglaro ang mga kabataan kung kaya’t excited na sila na makapaglaro dahil ito na ang tamang pagkakataon para ilabas at gamitin ang nabinbin nilang lakas.

The post Selebrasyon ng buhay,pag-asa at pagbangon appeared first on 1Bataan.

Previous Catmon Road sa Abucay, paiilawan

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2022 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved