Sa pagreretiro ni PLtGen Rhodel Sermonia, Deputy Assistant for Administration of the Philippine National Police, Bataan ang pinili niyang last leg, bilang pinaka mahalaga at makulay na lugar ng kanyang sentimental journey para alalahanin ang kanyang pagiging Provincial Director noong 2014.
Sinabi ni PLtGen Sermonia sa kanyang mensahe na, ibang iba umano ang lalawigan ng Bataan sa mga probinsyang kanyang naging destino dahil ang mga namumuno dito ay, âvery respectfulâ, mayroon kasing iba, na ginagamit ang pwesto power arrogance, pero dito ay nakita niya ang mga Garcia na mabubuting tao, na marahil daw ay maganda ang pagpapalaki ng mga magulang.
Nagkaroon umano sila ng strong partnership ni Cong Abet, na nooây Governor, na hinangaan niya bilang isang visionary leader, samantalang si Mayor Charlie Pizarro naman ay nakasama niya sa pagbuo ng mga grupo laban sa iligal na droga. Marahil, ito ang rason kung bakit ang Bataan ang naging kauna- unahang âdrug-clearedâ province sa buong bansa.
Sinabi naman ni Gov. Joet Garcia na sa pagiging Provincial Director ni PLtGen Sermonia, noong Mayor pa siya ng Balanga City, nagkaroon ng template ng kapayapaan at kaayusan ang mga hakbang na kinakailangang gawin at nagkaroon ang mga bayan ng malinaw na pamamaraan sa pagpapanatili ng peace and order ng kanilang mga lugar.
Sa huli, pinuri at pinasalamatan ni Provincial Director Palmer Tria si PLtGen Rhodel Sermonia sa iniwan niyang legasiya; nabago ang buhay ng mga miyembro ng kapulisan, and they are grateful for his services rendered in the PNP, that wili inspire the present and coming generations.
The post Sentimental journey ni PLtGen. Rhodel Sermonia sa Bataan appeared first on 1Bataan.