SK tatakbong handa?

Philippine Standard Time:

SK tatakbong handa?

Bilang paghahanda sa nalalapit na eleksyon ng Barangay at Sangguniang Kabataan, at preparasyon sa bagong liderato ng mga kabataan, isang seminar ang idinaos sa Mariveles na tinawag nilang, Tatakbong Handa: A New Breed of Leadership for SK Aspirants.

Sa nasabing seminar na isinagawa ng Mariveles Youth Development Office sa pamumuno ni G. Juan Miguel Perez bilang Officer- In charge may mga katanungan na kinakailangang masagot ng isang SK aspirant, katulad ng; may karanasan ka ba sa pagpapatakbo ng isang organisasyon, technical skills sa pagpaplano, paglalapat ng programa at may puso sa mga kabataan at taumbayan?

Kinakailangan din umano na bilang lider-kabataan ay handa na makagawa ng mga oportunidad para sa mga kapwa kabataan na maging kapaki-pakinabang na myembro ng komunidad, magkaroon ang bawat isa ng responsive skills, values at knowledge.

Sa paglilingkod pwedeng BAGO, BATA at dapat BIHASA, kinakailangan din na may tamang abilidad at diskarte sa pagiging lider maempower ang kapwa kabataan sa ibaā€™t ibang aspeto ng buhay. Mahalaga rin umano na kayang gampanan ang responsibilidad bilang lider at itindig ang pag asa at inspirasyon ng bawat kabataan.

Kung ang lahat ng ito ay makayang masagot ng interesadong aspirante, siya ay masasabing potensyal na lider-kabataan sa bayan ng Mariveles.

The post SK tatakbong handa? appeared first on 1Bataan.

Previous Solar company donates vehicle to Samal LGU

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon ā€“ Fri: 8:00 am ā€“ 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

Ā© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by: