Sa misang ginanap bago ang oathtaking ng mga bagong halal na opisyal ng Bataan, sinabi ni Bishop Ruperto Santos sa kanyang homily, maihahalintulad sa susi at espada ang katungkulan at kapangyarihan na ibinigay sa mga bagong halal ng bayan.
Ayon pa kay Bishop Santos, si San Pedro ay binigyan ng Diyos ng malalim na katungkulan na kung anuman ang maging hatol niya sa lupa ay tatanggapin ng ating Panginoon sa langit.
Dagdag pa ng Obispo, marami ang nagtangka o nag apply sa posisyon subaliāt kumilos ang Diyos at binigyan ng panibagong espada o katungkulan ang ilan; marami umano ang kumandidato pero kayo ang pinili ng mga mamamayan.
Ang susi naman ay tanda pa rin ng tiwala ng mga tao sa opisyal at kaakibat nito ang espada na sagisag ng kapangyarihan para usigin ang kasamaan.
Babala pa ni Bishop Santos sa mga bagong halal ng bayan āpower is intoxicating and sometimes misusedā, na ang kapangyarihan ay nakakalasing, na kung magkaminsan ito ay nagagamit sa masamang paraan.
Sa huli sinabi ng Obispo na buo ang suporta ng Simbahan sa Pamahalaan at kaisa ng lahat ng nanunungkulan para sa magandang layunin at kapakinabangan ng mga mamamayan.
The post Susi at espada appeared first on 1Bataan.