Tatlong unit awards, nakamit ng Bataan PPO

Philippine Standard Time:

Tatlong unit awards, nakamit ng Bataan PPO

Nakatanggap ng tatlong (3) unit awards ang Bataan Police Provincial Office sa katatapos na awarding ceremony ng 27th Police Community Relations (PCR) Month Celebration sa Police Regional Office 3 sa Camp Olivas, San Fernando City, Pampanga.

Gamit ang temang: “Ugnayang Pulisya at Komunidad Tungo sa Mapayapa, Maayos at Maunlad na Pamayanan,” naging ng aktibidad ang pagtatanghal ng mga parangal ng pagkilala sa mga karapat-dapat na yunit/tauhan sa kapulisan ng Central Luzon.

Ang Bataan PPO ay gumawa ng kahanga-hangang tagumpay sa pamamagitan ng pagkamit ng mga parangal kagaya ng Outsanding Municipal Police Station na nakuha ng Hermosa MPS sa pamumuno ni Police Major Emerson Coballes; Outstanding Provincial Mobile Force Company na nakuha ng Bataan First Provincial Mobile Force sa pamumuno ng kanilang Force Commander na si Police Lt. Col. Elias Tait; at ang parangal na Outstanding Police Provincial Office na nakamit naman ng Bataan Police Provincial Office sa pamumuno Police Col. Romell A. Velasco, acting Provincial Director.

Ang mga pagkilalang ito ay nagpapakita lamang na ang Bataan PPO at lahat ng mga tauhan nito, sa pamamagitan ng malakas at patuloy na pakikipagtulungan sa lahat ng mga kasangga nito, ay ginawang tunay na epektibo ang mga aktibidad ng Police Community Relations sa pagkuha ng tiwala ng komunidad.

The post Tatlong unit awards, nakamit ng Bataan PPO appeared first on 1Bataan.

Previous Bataan prepares for “Batang Pinoy Activities 2022”

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2022 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved