Vice Mayor Gozon, bagong Pangulo ng GSP Bataan Council

Philippine Standard Time:

Vice Mayor Gozon, bagong Pangulo ng GSP Bataan Council

Nahalal si Vice Mayor Vianca Gozon ng Balanga City, bilang Pangulo ng Girl Scouts of the Philippines (GSP)-Bataan Council sa katatapos na Council Board Election Triennium 2024- 2027 kahapon na ginanap sa GSP Council Office sa Capitol compound, Balanga City.

Ang mga dumalong opisyal ng DepEd sa lalawigan, mga guro, mga estudyante, troop leaders, trainors at iba pa mula sa ibang sektor na kumakatawan sa kabuuan ng lahat ng girl scouts sa lalawigan, ay nagkaisang iboto si Vice Mayor Vianca Gozon blang bagong Pangulo ng GSP Bataan Council.

Bagamat nabigla si Vice Mayor Gozon sa kanyang bagong posisyon, subaliā€™t sa ibinigay na overwhelming support mula sa lahat ng miembro ay napanatag na rin siya at nagsabing natatandaan niya na ang kanyang lola ay isa ring masugid na girl scout noong kanyang kabataan.

Ilan sa mga naging Pangulo ng GSP Bataan Council ay sina Dr. Salud Bagalso, Gng. Lilia Reyes at dating Vice Gov. Lina Beltran, ina ni Kasalukuyang Board Member Manny Beltran. Dalawanpuā€™t apat (24) mula sa mahigit 50 miyembrong dumalo ang nahalal at mula sa bilang na yon kukunin ang lahat ng opisyal at bubuo ng Board of Directors ng GSP Bataan Council Board.

The post Vice Mayor Gozon, bagong Pangulo ng GSP Bataan Council appeared first on 1Bataan.

Previous Petron spearheads mangrove planting initiative

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon ā€“ Fri: 8:00 am ā€“ 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

Ā© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by: