Vice Mayor Pabustan sumama sa rescue operation

Philippine Standard Time:

Vice Mayor Pabustan sumama sa rescue operation

Sa gitna nang malakas na buhos ng ulan, agad na kumilos si Abucay Vice Mayor Roberto Pabustan upang tulungan ang kanyang kababayan na natabunan sa loob ng bahay dahil sa pagguho ng lupa sa barangay Labangan.

Kasama ang mga miyembro ng PNP, MBDA at rescue team, tulong-tulong nilang hinukay ang natabunang bahay kung kaya’t madaling natagpuan ang biktima na si Roselyn dela Cruz, 27, isang caretaker at may tatlong anak. Agad ding tumulong sina Mayor Robin Tagle sa mga kaanak ng biktima.

Sinabi ni Vice Mayor Pabustan na ito ang unang pagkakataon na mapasama siya sa ganitong rescue operation bilang isang public servant; medyo kinabahan din umano siya pero ang layunin ng pagtulong ang nagpalakas ng kanyang loob.

The post Vice Mayor Pabustan sumama sa rescue operation appeared first on 1Bataan.

Previous Mayor Robin Tagle nagbigay Pugay sa mga Natatanging Abukeño

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2022 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved