“With great power comes great responsibility”

Philippine Standard Time:

“With great power comes great responsibility”

Isang simpleng turn-over of command ang ginanap nitong nakaraang Biyernes sa Camp Tolentino para kina Outgoing Bataan PNP Provincial Director Romell Velasco at Incoming Provincial Director Palmer Tria.

Sa mensahe ng panauhing pandangal na si PNP Region 3 Director Jose Hidalgo, sinabi nitong, “outgoing PD Romell Velasco has proven his worth thus ang challenge ay nasa incoming PD kung paano niya lampasan ang nagawa ng pinalitan, subali’t ang mahalaga, do your best, perform well and aim for perfection, dahil nakikita niya ang progress and development ng Bataan, and he’s projecting the province to be a “Metro Bataan”.

Naroon din sina Vice Gov Cris Garcia at Gov. Joet Garcia.

Nagpasalamat si Gov. Joet kay Col Romell Velasco sa mga nagawa nito sa lalawigan at naniniwala umano siya na malayo pa ang mararating nito.

Samantalang sa bagong PD, sinabi nitong gaya ng sinabi sa pelikulang Spiderman, “with great power comes great responsibility” na itinuturing nating mga super heroes ang ating kapulisan, na malaki ang responsibilidad nila at malaki ang inaasahan nating mga mamamayan para sa patuloy na kapayapaan at kaayusan ng ating lalawigan.

Ayon naman kay Cong Abet Garcia, kilala umano natin si Col. Palmer Tria, kung gaano ito ka-kisig, katapang at ka-dedikado sa kanyang serbisyo.

Inasasahan umano niya na patuloy nitong pagbubutihin ang performance based incentive program, na habang bumababa ang crime rate ay binibigyan naman sila ng incentives ng lalawigan.

At sana ay mapanatili ang peace and order, gayundin ang partnership with MBDA at iba pang force multiplier, nang sa gayon, ay pumasok pa ang nga investors, dumami ang trabaho para maging masagana at matahimik ang buhay natin dito sa Bataan.

The post “With great power comes great responsibility” appeared first on 1Bataan.

Previous Emergency response group formed in Bataan

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by: